Wednesday, December 17, 2008

Misa de Gallo: Paano Ginagawa?

(Photo from the Web)
Last night, it's already the second Simbang gabi in Sto. Niño Church in our subdivison, I wonder why they started on Dec.15? Tsk. Does it mean I'll get an "INC" mark in my "Simbang gabi Card?" Oh well. I'll make a way to make it complete.

Anyway, the homily last night was great. I love the weather, I love it when I go to Church with relatives.

But seeing some people around makes me think:
"Are they all sincere?", "Why are they there??", "Why are they doing that??", "Do they know what this is all about for real??".

It's kind of disappointing, it's not that I get bugged and annoyed by them all the way, it's just that I respect the Church, the mass and I respect God., I just wish they do too.

Then I read this column in a newspaper last night while I was nibbling at midnight:

read and identify yourself if you belong. ;-P

"PAANO KA MAGSIMBANG-GABI?"
-By Lester Gopela Hallig (Pilipino Star Ngayon)


Noong nakaraang araw ay nagsermon ang aming kura paroko hinggil sa mga klase ng taong nagsisimbang-gabi. Walang hindi natawa sa mga tinuran niya. Marahil ay tinamaan sila sa mga kategoryang nabanggit ng pari. Iyung iba naman ay may kilalang ganoon. Bakit hindi natin silipin kung sinu-sino ito? Malay ninyo. Baka iyong katabi o kasambahay ninyo ay ang matatamaan dito. O baka rin anman iakw mismo. Heto, ibabahagi ko sa inyo ang nakaaaliw at napakatunay na obserbasyon ng aming pari:

Nagsisimbang-tango
Wala siyang ginawa kundi tumango nang tumango habang nagmimisa. Hindi dahil sumasang-ayon siya sa sinasabi ng pari, kundi dahil natutulog pal siya, kaya ayun, tatangu-tango sa simbahan. Mayroon akong kaibigang ganyan ang ginagawa tuwing simbang-gabi. Tutulug-tulog sa misa, eh may ugali pa naman siyang napapadapa siya kapag nakakaidlip. Hayun, minsan ganun ang nangyari kaya napasubsob siya sa mga manang ng simbahan. Siyempre, namumula na kaming mga kasama niya sa sobrang pagpipigil ng tawa (at kahihiyan na rin). Parang naiskandalo ang mga manang, may kasama pang matatalim na tingin.
Siguro ang ipapayo ko lang sa mga ganitong tao, kung kaya mong magsimba sa gabi (mayroon sa aming alas otso ng gabi ang misa), doon na lang. At least, gising ka pa at may malay ka pa kung ano na ang nangyayari.

Nagsisimbang-puto
Totoo bang simba talaga ang pinunta mo roon? Baka anman excuse mo lang iyon para makakain ng mga kakanin pagkatapos ng misa. "Ay hindi, misa talaga habol ko!" sabi ng kaibigan namin. Pero papunta pa lang kami sa simbahan, heto ang linya niya, "Uy, mamaya bili ako ng puto bumbong ha. Iparada ninyo sa gilid ang sasakyan at matatagalan pa yung bibingkang lulutuin pa. Siguro pagdating sa simbahan, punta na ko ron para maireserba ang kakanin!"
Minsan nga, hindi mapakali ang kasama namin habang nagmimisa. Paano, nasa bibingkahan na ang isip. Noong isang beses nga, pag homily ng pari, lalabas muna para kumain, Mas maganda sana kung isasaalang-alang muna ang diwa ng simbang gabi, hindi iyong palusot lamang ang pagsisimba.

Nagsisimbang-text
Aminin natin, marami pa ring matitigas ang ulo pagdating sa simbahan. Text dito, text doon. Ano ba naman ang patayin muna ang cell phone ng isang oras, at ibuhos muna ang atensyon sa misa?
Kaya lang may mga ganitong nagsisimba talaga. Ganito kasi iyon. Gusto lang magsimbang-gabi at makakumpleto dahil...wala lang. Hindi taos sa puso ang pagsisimba kundi para masabi lang na kumpleto ang siyam na araw. Pero tanungin mo siya kung anu-ano ang mga naging sermon ng pari ay wala siyang maisasagot.
Dapat kasi, iwan an muna ang cell phone sa bahay. Malaking risk kasi na bitbitin yan sa simbahan. Bukod sa baka mawalapa iyan, eh nakakaistorbo pa. Biruin mo, habang taimtim na nagdadasal ang karamihan ay panay ang text mo. Hindi ba makapaghihintay man lang iyan?

Nagsisimbang-tabi
Isa pa ito. Ang nagsisimbang-tabi ay parating nasa suluk-sulok at gilid-gilid ng simbahan. Minsan sa loob, mas madalas nasa labas. Mas mahalaga pa ang magbarkadahan tuwing simbang gabi. Makikita mo sila sa mga lugar na nabanggit at mapapansin mong mas abala sila sa pagkukuwentuhan, apgtatawanan, at pag-iistambay.
Ang masama pa rito, may ibang tao na walang ginawa kundi magtsismisan. Ano ba yan, isang sagradong okasyon tapos babahiran ng paninira sa kapwa?
Aba, kung tutuusin, medyo effort din ang gumising nang maaga. Pero para tumambay lang? Parang may mali yata run. Kasali rin dito ang mga nagliligawan tuwing misa. Mas busy maghawakan ng kamay o hindi kaya ay maglampungan. Oo nga at nakatutuwang makakita ng mga nagmamahalan pero may lugar para sa mga bagay na iyan. Ang simbang gabi ay para lamang sa Diyos, kaya huwag naman siyang agawan ng atensyon.

Nagsisimbang-taos.
At ito ang dapat tularan. Alam niyang ang pagsisimba ay paghahanda sa pagsilang ng Dakilang Lumikha. Alam niyang ang pagpunta sa misa ay hindi lamang sa pisikl na pagdalo kundi pati sa puso at kaluluwa. Alam niya kung ano ang silbo ng simbang gabi. Alam niyang sakripisyo ito (hindi anman kasi normal sa ibang tao ang gumising nang madilim pa, liban nga lang kung sa call center ka nagtatrabaho--pero ibang usapan na iyan). Alam niyang kailangan niya bigyang-galang ang Panginoon, kaya pinapatay niya ang cell phone nya. hindi siya nakikipagkuwentuhan sa misa, at lalong hindi hinahati ang kanyang pagkatao sa oras na iyon.

Kaya ngayong panahon ng simbang gabi, alin ka kaya sa mga taong ito?

*********
Need I say more?

6 comments:

onchie said...

So true. Hindi ko kaya mag Simbang Gabi ng super aga, promise. Kaya as much as possible, yung evening mass ang ina-attendan ko.

Singer-Nurse said...

What's up na lang talaga sa iba diba...kamusta ako ngayong gabi.,after 8:30 na mass, attend ako ng 3 AM mass bukas kasi sponsor yung Institute nila mama sa isang simbahan, aattend ako kasi diba sa post ko yung sa subd. namin, 15 pa nagsimula? So para 9days pa din makumpleto ko.haha.baka mamaya kasi hindi pala magmass ng 24 kaya nagstart na ng 15...super dream ko to dahil I've never completed Misa De Gallos ever. So sana ngayon :)

fleduhh said...

ako 430am nagsisimba :) haha. this will be the 3rd year na macocomplete ko to. haha. last year hindi eh. haha. at ang unang tanung ko nung 1st day: "asan mga tao?" un pala ung iba, sa gabi na nagsisimba. hehe. infairness, belo 30 degrees ang mornings dito sa amin kaya masaya magsimba!

Singer-Nurse said...

I'm lovin' it..dito 16 degrees ;)

onchie said...

Yup! I sleep now with my Pj's and without aircon! sarap matulog!

kalansaycollector said...

well kaya nga ako hindi nagsisimba. haha. kasi naman ayokong masabihang hipokrita. though syempre iras na magsimba ako taos puso iyon kasi paminsan lang.